Biyernes, Marso 16, 2012

Masayang Pagkikita (weh? di nga)

                 Maraming tao ang naghahanap ng tunay na pag-ibig, mapakwento man o tunay na buhay man. Maybe, this is base on my imagination but perhaps this could be your best real-life love story.
                Bata pa lang si Sam o “Tha-tha”, kung tawagin siya ng kanyang best friend at yaya, ay lagi niya ng naisasaisip ang mga bagay na sa libro at bituin lang makikita; ito ay ang tunay na pag-ibig. Sampung taong gulang pa lang siya nang una siyang makagawa ng isang kwento tungkola sa isang batang nawawala sa kagubatan at nang matagpuan siya ng mga tao ay dalaga na siya at isa ng dakilang tagapagbantay ng kagubatan.
At ngayon ngang labinwalong taong gulang na siya ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng iba’t ibang klase ng kwentong pag-ibig hango sa kanyang mga imahinasyon.
                “Oh my gosh! Yes! Tapos na siya. After a long way, natapos ko na rin siya. Sa wakas,” ani Sam habang dahan-dahang binubuklit ng paulit-ulit ang kanyang journal, kung saan niya isinulat ang kanyang latest written story. “Yes!” dagdag pa nya.
Dahil sa sobrang saya bigla siyang napasigaw, kung kayat napaakyat ang kanyang yaya na si Marie.
                “Tha-tha, anong nangyari sa’yo?” mabilis na tanong nito habang humahabol ng hininga dahil sa pagmamadali nitong pag-akyat.
Agad naming itinago ni Sam ang kanyang journal sa body bag na katabi niya.
                “A-ah..wala naman po, nagco-concert lang po ako dito sa kwarto, kasi malay po natin magkaroon ako ng future sa pagkadiva, diba po?” palusot ni Sam. “tsk. Nagsinungaling naman ako,”bulong ni Sam sa sarili.
Natawa na lamang si Marie sa mga narinig mula sa kanyang alaga.
                “hay..ikaw talaga ang dami mong kalokohan sa katawan,”pabirong sabi ni Marie.
                “Ay.. ate, pwede po pala akong pumunta ngayon sa park,”halos pabulong na pagpaalam ni Sam.
                “Na naman?”bulalas ni Marie.
Ngumiti na lang si Sam. “Hehe..again. Pwede?”tanong ni Sam habang nagpapuppy eyes pa ito.
Napangiti na lamang si Marie, na tila nagpahiwatig na pumayag ito.
                “Basta, wag kang gagawa ng kalokohan huh..? baka sabihin ng daddy mo, kinukunsinti kita,”bilin pa nito habang nakataas ang kilay.
       
        “Nakasisiguro po kayo, ako pa,”natatawang sagot nito, sabay hila ng body bag niya kung saan nakalgay ana kanyang journal.
Agad siyang tumakbo palabas ng gate.
        “Yes!”sigaw pa niya pagkalabas ng gate.
Agad siyang umangkas sa kanyang bisekleta papunta sa park. At nang makarating siya sa park ay mabilis siyang pumwesto sa kanyang paboritong lugar; sa may puno malapit sa daanan ng parke.
        “ilang minute na lang dadaan na siya,”tila natutuwang bulong ni Sam sa sarili habang inoobserbahan ang kanyang relos. “Yes!”nangingiti pa niyang sabi habang yakap-yakap ang kanyang journal.
Ngunit bago pa man dumating ang kanyang inaabangan ay una nang bumuhos ang ulan.
        “Ang malas naman, huwebes ba ngayon?”ani Sam. “Bakit ngayon ka pa umulan? Kung kelan naman wala akong dalang payong. Hay..” dagdag pa niya habang naglalakad papunta sa malapit na kubo ng parke habang akay-akay ang dala niyang bisekleta.
Ngunit bago pa man siya makarating sa kubo ay napahinto siya’t napalingon sa taong paparating galling sa janyang kanan.
Napalunok siya nang makita ang lalaking, halos araw-araw niyang inaabangan buong bakasyon. Natulala siya sa lalaki kayat hindi niya na napansin ang pagdulas ng kanyang journal sa kanyang kamay.
Lalo pang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang titigan siya nito. Tila ninigas ang kanyang mga paa at parang ayaw na nitong sumunod sa kanya. Napatakbo na lamang siya nang magsalita ang binata.
        “Miss.”anito.
Agad siyang kumaripas ng takbo papalayo sa parke. At nang makarating siya sa isang drugstore ay agad siyang tumigil.
        “Kinabahan ako doon huh,”aniya habang dinadama ang tibok ng kanyang puso. “Lagot ako! Baka baka kung ano ang isipin niya, ba-baka nahalata na nya na..”napaisip siya. “Lagot!”napapikit na lamang siya sabay katok sa kanyang ulo.
Basa narin lang naman siya at dala na rin ng nangyari ay mas pinili na lamang niyang maglakad sa gitna ng ulan habang hila hila ang bisekleta niyng dala.
        “Hay.. atleast napansin niya ako,” tila nanaginip na sabi ni Sam.
Sa kabilang dako ay pinulot naman ng binata ang nahulog na journal ni Sam. “Hay.. anong nangyari dun? parang nakakita ng multo, ganun nab a ang epekto ko sa maga babae?”natatawang sabi nito hang tinititigan ang hawak nitong journal. “Kelan ko kaya ito maibabalik sa kanya?” dagadag pa nito.
Nang makarating si Sam sa kanilang bahay ay sermon agad ang inabot niya kay Marie.
        “O ba’t basing basa ka? Hindi ka ba marunong gumamit ng payong?”salubong na tanong ni Marie kay Sam.
        “Si Ate Marie talaga, inaasar pa ako. Naiwan ko kasi po yung payong ko,” paliwanag ni Sam sabay abot ng tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto ng kanyang kwarto.
        “Ano ba kasi ang ginagawa mo sa parke twing hapon? Tajang tanong ni Marie. “Siguro nakikipagkita ka sa boyfriend mo noh?”ani Marie sabay taas ng kilay.
        “Bo-boyfriend? Ako? May boyfriend? Si ate naman binibiro ako. Alam mo naman pong imposible yan,” sagot naman ni Sam.
        “Talaga lang huh? Kung wala kang boyfriend, e anong gingawa mo dun sa parke, imposible naming nag mumuni lang,”nag-uusisang tanong ni Marie.
        “Wa-wala naman po akong ibang ginagawa po dun kundi maupo at panoorin ang magandang tanawin na taglay ng parke natin,” tila kinakbahang sabad ni Sam.
        “Siguro, may inaabangan ka dun noh?”dagdag naman ni Marie habang patuloy na inuusisa si Sam.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Sam sa kanyang mga narinig.
        “Oy!” pambibigla naman ni Marie.
        “Si ate talaga kung anu-ano ang mga naiisip, tama na nga po yan,”ani Sam.
        “O siya siya, maligo ka na’t baka magkasakit ka pa,” nangingiting sabi ni Marie.
Papasok na sana si Sam sa banyo nang pigilan siya ni Marie.
        “Ay siya nga pala, nagbilin ang Daddy mo na mawawala ulit siya ng ilang buwan dahil sa business,”ani Marie.
        “Lagi naman, sanay na ako,” pabulong na sabi ni Sam.
        “Pinapasabi rin pala niya na sana raw ngayon ay tumino kana. Pagbutihan mo na raw ang pag-aaral mo,” dagdag pa ni Marie.
Napayuko nalang si Sam sa mga narinig.
        “o sige po, maliligo nap o ako,”ani Sam habang inaalis ang body bag na kanyang suot. Ngunit ng akma niya na itong ibabagsak ay tila nadama niya na wala ng laman ang kanyang bag. Kinabahan siya.
        “Hala! Yung journal ko?! Di-dito ko lang yun ilinagay sa bag ko,” kinakabahang sabi niya habang hinahalungkat ang dal niyang bag. “Hala!”napapikit siya at pilit niyang inalala kung saan niya maaring naiwan ang kayang journal. “Hindi kaya…”agad siyang tumakbo palabas at agad umangkas sa kanyang bisekleta. Tinawag siiya ng kanyang yaya ngunit tila hindi niya ito napansin.
Kahit umuulan ay bumalik parin sya sa parke, inaasahang matagpuan ang kanyang journal.
Pinuntahan niya nag lahat ng lugar na kanyang dinaanan ngunit hindi niya ito natagpuan. At may biglang pumasok sa kanyang isipan.

.....Pabitin..whahaha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento